earth day

earth day

ekososyalismo ang alternatibo

Advertisements

UNYA GANAHAN KA?

            Tigulang nako pero wala koy plano mag parehistro, dili ko ganahan mubuhat sa akong katungod nga muboto. Walay kaugma-on ang Pilipinas sa mga mudagan nga mga politiko, istorya lang taman ug walay makita nga nabuhat. Tan-awa gud ang Pilipinas karun, Third World Country gihapun, gibiyaan nata sa atong mga silingang nasud. Tungod mani saa bulok na sistema na gimana pa natu, u gang “crab mentality” sa mga Filipino. Ingon kai independent na ta, peru “indirect colony” man gihpun ta sa U.S. Giangkun atu dakong mga kumpanya ug mga resources sa mga dominanteng dayuhan. Puppet pa gihapun ang atung Presidente, ug mga U.S troops maskin aha makita sa Pilipinas. Unya ganahan ka?

                Daku pa kaayu atu utang sa world bank, muabot na ug trillion. Wala pa ta gianak, naa natay utang. Maguba na siguro ang kalibutan dili pa ta makabayad, may pa ibaligya na lang ang Pilipinas, daghan jud ang magapas natu. Peru simba ko palayo, ayaw lang unta! Balik ta sa atu political system na wala juy kaugmaon. Uso gihapun ang ginatawag na “Political Dynasty”; ang papa Mayor, ang mama Vice Mayor, konsehal ang mga parenti, Kapitan kay angkol sa Mayor u gang SK Chairman kay anak sa Mayor. Ilaha na lang tanan! Maulaw man pud ta! Unya ganahan ka?

                Usahay mag pinatyanay pa tungod lang sa is aka pwesto. Kwarta diri, kwarta didto basta hapit na ang eleksyon. Maskin patay na ang tawo kai matingala na lang ka kay nakarehistro na ug nakaboto pa gihapun. Hadluk no? Mao nang uso diri sa Pilipinas!

                “Maligayang Pasko po!” ingon ni Mayor sa tarpaulin bisan asa makita, klaru na kaayu ang pattern. Usahay mamugos magparehistro, kung dili ka musogot kai hadlukon dayun. Ang ubang tao ganahan paliton ilang boto, sila ang mga walay karapatan mangreklamo kung walay nahimu si Mayor kay gipalit na ang ilang boto. Edad 18ang pwedi makaboto peru murag kadaghanan sa mga kabatan-onan na nangboto kay edad 15 ug 17. Diha pa lang maka pangutana na ka ug daku. Unya ganahan ka?

                Kanag gina-advertise na “Ako ang Simula” kay atik ran a, gin auto ram o kay ang tag-iya ana kay close friend sa atung Presidente. Mao ng gina hagit nila ang mga kabatan-onan nga moboto. Tan-awa ra gud, puro positive ang gina ingon sa media pahisgot sa atung Presidente. “Hotdog ra ang gikaon ni Mr. President tung nakipagkita siya sa Presidente sa Estados Unidos”, gibalita jud ni arun muhumot atung Presidente sa mga tawu. Unya ganahan ka? Kai ako wala na giganahan sa atung sistema!

                Sa husgutanang Social Justice, pabor kaayu ni sa mga datu, elitista, burgis ug mga politiko; ug sadihang ang mga pobre kay looy kaayu. Makita jud nimu ang tatsulok na ginaingon ni Bamboo sa iyang kanta. Walay hustisya diri sa Pilipinas, kung dili delayed kay denied! Isa na ani ang Maguindanao Massacre; tulo na katuig peru hangtud karun wala pa gihapun hustisya. Uban pa sa nagkalain-laing mga krimen na nahimo ng mga isolated cases. Walay pag bag-o! Unya ganahan ka?

                Kung musulti pud ta sa Educational System kay wala gihapun klaro. Ang budget cut sa mga SUCs mao ang rason sa pag privatize sa ubang mga eskwelahan ug pag taas sa mga tuition fees. Tungod ani, daghan kaayu ang mga kabatan-onan na wala na nakaeskwela tungod kay wala kwarta pambayad sa mahal na matrikula. Kabalo na gud ani atung gobyerno peru wala ang gihapun silay gibuhat nga tarong arun matabangan kaning atung mga kabatan-onan. Unya ganahan ka?

                Uso pud ang pag panamastamas ug pagprivatize sa mga kompanya sama sa Hydro Agus-Pulangi na maong nagahatag ug kuryente sa tibook Mindanao. Karun, nakasinati ta ug mga rotating brown-outs, kay ingon pa ang atung Presidente na duha lang ang mahitabo ani; una kay magbayad ta tanang ug dako ug ang ika-duha kay magpadayun sa rotating brown-outs. Presidente na gyud ang nagingon ani. Unya ganahan pa ka?

                Daghan pa unta ko iingon peru diri na lang sa ko kutob kay basin mabutang pa ni sa internet ug makasuhan nuon ko ug libel. Naa na baya bag-o na batas karun, ang Cybercrime Law na gibuhat lang arun maprotektahan ang mga politiko. Maayu pa ning Cybercrime Law kay napasa ug naaprobahan dayun, pabor man gud ang mga politiko na dili ganahan na makadawat ug mga reklamo ug criticisms sa mga katawhan na ilang gipanamastamasan. Peru ang RH Bill u gang Student Bill (STRAW) kay kutob ra intawon sa pagka bill, debate sa congress, ug sa senate. Pirmi ra review sa content peru dili maaprobahan, pila na katuid peru wala pa gihapon nahimong batas. Likayan sa natu ang cybercrime law. Sa karun makasulti pa ka na “Im proud to be pinoy!”, peru ako kay never been proud, never was and never will! Unya ganahan ka? Kay ako wala na!

                

Protesta at Pagkilos ng mga kabataan ngayong MAYO UNO

LMK Official Statement

Ayon sa Labor Code ofthe Philippines PRESIDENTIAL DECREE NO. 442 Artikulo 3:

“Pahayag ng mga pangunahing patakaran. Ang Estado ay dapat bayaran proteksyon sa paggawa,magsulong ng buong pagtatrabaho, tiyakin katumbas mga pagkakataon sa trabaho anuman ang kasarian, lahi o kredo at pangalagaan ang relasyon sa pagitan ng mga manggagawa at mga employer. Ang Estado ay dapat tiyakin saang mga karapatan ng mga manggagawa sa sariling organisasyon, sama-bargaining, seguridad ng panunungkulan, at makatarungan at makatao kalagayan sa paggawa”

 

Bakit may ganitong problema?

Seguridad sa trabaho, underemployment, kontrakwal at pagkawala ng trabaho ay isa sa pinakamalaking problema kinakahapap ng mga Pilipinong mangagawa ngayon, lalong lao na ang sektor sa kabataan. Kahit ang may mga trabaho ay takot dahil sila ay maaaring mawalan ng trabaho anumang oras.

Ang kawalan ng trabahu ay nananatili pangunahing isyu ng mga pilipinong mangagawa. Ang mga Kumpanya ay bihira magregular  ng mga empleyado, ang karamihan ay nagtatalaga bilang “permanent Casuals” na may kontrata hanggang 6-5 na buwan at ang iilan ay aabot lamang sa tatlong buwan.

Basi sa data mas dumadami at lumalala ang kawalan ng trabaho sa pilipinas tumaas ito ng 7.1 percent ngayong taon mula sa 6.8 percent noong nakaraang taon at ang Underemployment tumaas ng  22.7%, na may 8.5 million underemployed workers, mas tumaas kasya nakaraang taon mula sa Nationa Statistic office. kalahati sa mga nabibilang na walang trabaho ang sektor sa kabataan. Isa sa nakitang rason ang Limitadong trabaho sa pilipinas hindi lahat ay nakahanap ng trabaho ang iilan ay nabibilang sa “informal economy” binubuo ito ng mga independent workers, self-employed, at distributer of good service, 40 hanggang 80 porsiyento ng Pilipino manggagawa sa impormal na ekonomiya (data Labor Force Survey). Ang iba ay napilitan lumuwas ng ibang bansa (Overseas Filipino Workers). Nasa 10-11% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang ofw.

                Patuloy ang sistemang kontrakwalisasyon  ayon sa  (Article 106 of the Labor Code of the Philippines). Naging stratehiya at opputunidad ito ng mga kapitalista at mga nasa prebadong sektor na gawing kontrakwal ang mga empleyado  upang hindi maging regular at hindi tumaas ang sahod ng mga magagawa.

                Tulad ng lahat ng mga manggagawa sa ilalim ng kapitalistang sistema, ang pilipinong mangagawa ay hindi kailanman bayad na sahod katapat sa kanilang trabaho. Dahil ito sa mga sistemang katulad ng regional minimum wage ayon sa republic act No. 6727 o kilala sa “wage rationalization act”. Ibinagtibay ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang batas na ito.  Isa itong abuso sa  pilipinong mangagawa at hindi patas pagtrato. Ayon National  wage commission of the Philippines ang ARMM (autonomous region and muslim Mindanao) ang minimum wage, umaabot lang ng  222 pesos samantalang ang NCR (national capital region) umaabot ito sa 410 pesos ang minimum wage. Isang pagsasamantala ito sa karapatan ng mga mangagawa  na gawing regionalize ang sahod.at ito ay  isang salungat sa saligang batas ng mga mangagawa.

                Ang sistemang globalisasyon  (neo-liberal globalization) ang dahilan ng lahat ng ito, binago nito ang sistemang Ekonomiya Naging bukas  ang pilipinas sa pandaigdigang merkado.    Bukas din sa pagsasamantala at monopolyo ng mga d ayuhan. At  Dahilan sa pagdami ng mga pribadong sektor na pag mamay aari ng mga kapitalista.

Pag dami ng mga pambansang patakaran nag aayon sa pribadong sektor at pagdami din ng mga batas, polisiya at programa na hindi nag aayon sa mga mangagawa (anti-labor laws).

At bilang pagdiriwan internasyonal na kilusang manggagawa ngayong mayo uno. at kilala sa pilipinas bilang Araw ng Paggawa at itinuturing na isang pampublikong holiday.

Ang liga ng makabagong kabataan ranao impire, ay nakiisa sa pagdiriwang ng mga pilipinong mangagawa ngayong mayo uno.  Naniniwala ang liga ng makabagong kabataan dala dala ang kanyang adbokasiya na patuloy ang pagpupunyagi laban sa katiwalian ng gobyerno lalong lalo na sa mga pilipinong mangagawa.  Nakita ng lmk na patuloy na pagsasamantala at pang aapi ng mga mangagawa dahil patuloy ang paghahain na dagdagan ang sahod, alisin ang mga batas na hindi nag aayon sa mga mangagawa  na pina iigting at pinapatupad ng gobyerno.

Ang liga ng makabagong kabataan dala ang adbokasiyang ipinaglalaban at dala ang sektor sa mga kabataan ay nananawagan sa mga gobyerno at ahensya ng DOLE  na pakinggan ang mga hinaing ng mga manggagawa at mga kabataan.  Nananawagan ang sektor ng mangagawa ng IBASURA ANG SISTEMANG KONTRAKWALISASYON AT ANG SISTEMANG REGIONALIZATION! PATI ANG SISTEAMNG PRIBITISASYON NG LAHAT NG PAPUBLIKONG SERBISYO! Nanawagan DAGDAGAN ANG SAHOD NG MANGAGAWA AT DAGDAGAN ANG TRABAHO SA PILIPINAS!

Ang liga ng makabagong kabataan ay sasama sa protesta ngayong mayo uno dito sa iligan city, Mindanao  bilang pagpapakita ng suporta at pagkakaisa sa mga pilipinong mangagawa.

Patuloy ang liga ng makabagong kabataan sa pakikipaglaban sa mga na aapi lalong lalo na ang sektor sa kabataan  at mangagawa, maninindigan ang lmk sa adbokasiya at karapatan ng bawat isa at kikilos ang liga ng makabangong kabataan  hanggat may katiwalian sa sistema.

KABATAAN! LUMABAN ! MANINDIGAN! KUMILOS!

Reemar Alonsagay

Secretary General

Liga ng Makabagong Kabataan Ranao Impire

Iligan City, Mindanao

Lmkabataan@yahoo.com

 

 

 

                 

 

 

 

 

 

 

 

PROYEKTONG TUWID NA DAAN

ni Reemar B. Alonsagay /ak-ti-bistang-kad-re/

 

Habang ako’y papauwi sa probinsya ako ay na paisip sa nakita ko habang huminto ang saksakyan —at yun ang mga bagong kalsada.

Balikan natin ang taong 2010  kumandidato at nanalo si Noynoy Aquino III o mas kilalang Pnoy nating lahat  bilang presidenti ng pilininas . at ang kanyang pamatay at  popular na slogan ang “Dadalhin ko kayo sa Tuwid na Daan” at “Kayo ang Boss ko”. Pati ang kanyang kapartido (liberal) nakikituwid na daan na din. Tuwing nag Susona si Pnoy tuwid na daan ang binibida niya bago taposan ang ilang oras sa kakabulgar ng mga anolmaya ni PGMA o Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.(‘yun ang role ni Pnoy tuwing nag suSona). Pati sa Telebisyun bidang bida ang tuwid na daan ni Pnoy  kaya lahat ng pilipino alam na alam ang tuwid na daan ni Pnoy.

Dadalhin ko kayo sa Tuwid na daan sabi ni Pnoy. Hindi nyo ba napapansin habang umuuwi kayo sa probinysa ang mga kalsada ay inaayos. Pinapanindigan lang ni Pnoy ang kanyang mapa akit na slogan ang tuwid na daan. Tama nga naman ang si Pnoy dinadala tayo sa maayos na daanan hindi “rocky road’ sabi ng selecta at walang balakid sa daan. Kitang kita sa mga mata namin ang tuwid na daan “very transparent sabi ni tito”. Magaling at napakaayos ang stratehiyang ginamit ni Pnoy dinaan sa kalsada ang tuwid na daan. Kaya sa survey ng pulse asia nakapakataas ang tiwala ni ng mga Pilipino kay Pnoy (pulse asia owned by lopez, hindi na mag taka). Kaya nga malaki ang allocated budget ng Department of Public Works and Highway. Ngayung taon lang sila ang nasa top priority ng goberno, sila ang pinakamalaki ang nakuhamg budget ngayung taon. Kaya nga hindi natin masisi ang maraming estudyate ang nagproprotesta dahil nagiging less priority na ang edukasyun. Ngayung taon din tumaas ng 11% ang budget para sa State Universities and Colleges bumabawi dahil sa budget cut noong 2010. Pero kung titignan natin  hindi pa din sapat  ang ibinigay na budget  malayo sa proposal budget ng SUC’s. sabi ng mga estudyante—(‘ kung idedefined natin ang SUC’s ginawa ito to those youth who are less in life para accessible sa kanila at makakakuha ng quality education  kahit mahirap sila, so dapat hindi ibibigay ang burden sa mga estudyante the government should subsidized the SUC’s, nagiging pribilihiyo natu sa mga erun hindi na ito nagiging karapatan sa mga nakakarami ngunit ngayon nagtataasan ang mga tuition fee and other fees at marami na ding SUC’s ang nag privatized upang masubsidyu ang pangangailangan ng eskwelahan ‘yan ang nakikitang daan kung patuloy ang ganitung sistemang edukasyun . Sabi ng dating sekretarya ng edukasyun “ ang edukasyun ang solusyun” pero sa ngayon parang malabu na magiging solusyun.”).  Ayon nakita natin konektado ang lahat ng bagay sa lipunan at ng dahil sa tuwid na kalsada may na aagrabyado sa lipunan. Matatawag din itong development aggression.

 Balikan natin ang isyung kalsada, nakita natin ang ibinigay na atensyun  ng administrayong Aquino sa Public works and Highway. Inaayos ang mga kalsada upang makakadaan tayo ng maayos at ligtas. Kahit nga okay pa sinisira para lang may makitang tuwid na daan at may makitang development? Ganun ba ang gustong ibahatid ni Pnoy sa atin. Nagiging sabagal din ito sa ating lahat kapag tayo ay nagmamadali, maghihintay kapa ng ilang minuto upang makadaan. Marami ka pang dadaanan na “STOP” “GO” MEN AT WORK and ‘’ SORRY FOR INCONVIENCE”. Dapat mahaba ang pasensya mo at isipin mo lang nakakatulong ka sa pagtahak sa tuwid na daan. Napansin ko din Piling pili ang mga kalsadang inaayos nasa national at provincial high ways ang lahat ng development sa kalsada, paano naman yung mga nasa remote area o nasa bukid pwede naman silang lagyan ng maayos at tuwid na daan? May iilang politiko  ginagamit pang stratehiya ang tuwid na daan sa eleksyun kaya binibilasan ang proyektung pang kalsada upang pagkatiwalaan at mahalin ng masa para botohin. Gamit na gamit ang “tuwid na daan”. 

Napakagaling at epektibo ang stratehiyang ginamit ni Pnoy, maraming naniwala at patuloy nagtitiwalala na dadalhin tayo sa tuwid na daan, subalit nagiging bulag at pipi tayo (Pilipino) kung ano ang ibig sabihin ni Pnoy sa tuwid na daan. Ito ba’y tuwid na kalsada o hanggang isipan nalang ng mga Pinoy ang salitang “TUWID NA DAAN”?#

 

EPALITIKO

Iboto si TRAP

(Traditional Politician)

By : ( Reemar B. Alonsagay)

 

ImageAko si Trapo Ko. Gwapito III.

Kumakanditado bilang gobernador ng Probinsya Gwapito del sur, anak ng dating Congressman. Dating Mayor rin ng aming munisipyo, matapos mapalitan ng aking nakakatandang kapatid. Tumigil lang ako saglit sa politika dahil nag kastroke ako, pero sa awa ng Diyos pinagaling niya ako. Alam niyang kailangan ko pa’ng maglingkod  sa masa, at  ngayon nagkalakas ng loob akong kumandidato dahil sa tiwala na binigay sa akin ng mga tao.

Noong nakaraang taon, nagpaparamdam na ako (wag kang maiingay ha?) sa gilid ng mga kalye. Naglalagay ng mga tarpaulin na bumabati ng “Happy Graduation” sa mga nagtatapos, “Maligayang Pasko” naman noong Disyembre.  Katabi nga ng mga tarpaulin ko ang mukha din ng asawa ni Senador Villar. Napapakinggan din ako sa lahat ng  estasyon ng radyo sa probinsya. Sabi nila premature campaign ang ginagawa ko pero wala namang masama sa bumabati at sa nagpaparamdam. Bakit, may nakakaalam ba? Wala naman akong nilalabag na batas ng COMELEC. Masaya na ako na kahit sa ganyang mga paraan lamang ay mapasaya ko ang mga tao sa pamamagitan ng pagbati sa kanila.

Noong isang buwan nag organisa ako ng libreng gamutan at tuli sa lahat. May kasali pang libreng dalawang kilong bigas at tatlong lata ng sardinas. Nag-abot rin ako ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Pinangako ko sa kanila na kapag ako’y kakandidato at mananalo sa halalan, marami akong gagawing proyekto para sa mahihirap. Tutulungan ko silang maka-ahon sa kahirapan. Dadalhin ko sila sa tuwid na daan.. Matatapos na rin ang kalsada na proyekto ko upang makadaan na ng maayos at ligtas ang mga motorista. May pangalan ko pa nga sa gilid ng kalsada: DONATED BY : TRAPO GWAPITO III

            Noong kasagsagan ng pagpaparehistro para sa eleksyon, may inaabot akong pagkain sa mga taongs pumipila sa COMELEC. Kawawa nama sila, mahaba ang pila. Mainit diba? Kaya ‘yun, nag bigay din ako ng envelop na may lamang papel. Pera yun. Ang pinaka maliit na naibigay ko ay 100php. Natuwa din ang mga kabataan sa ginawa ko dahil natutulungan daw sila. Kahit sa ganoong paraan daw, may nakukuha sila nang walang hirap.

Sa makatuwid galing ako sa mayamang pamilya pero nangingibawbaw pa rin yung  interes ko para sa tao. Isa kami sa pinakamalaking nagmamay-ari ng kalupaan sa Mindanao. “Landlord” ang tawag sa amin (hindi ko na sabihin kung ilang hektarya, baka mabuko pa ng DAR). Binili na ng lolo ko sa mga nitibo (I.Ps) ang lupa sa presyong sampung daang libo.

Nasa angkan at dugo na namin ang pamumulitiko. Dating Congressman ang Lolo ko. Tumigil na siya sa pulitika dahil sa edad. Pumalit sa kanya ang tito ko, at ngayon kakandidato siya muli bilang congressman. Vice-mayor din ang asawa ko at matatapos na din ang termino niya at papalit sa kanya ang kapatid ko’ng si Epal Gwapito pagkaMayor. Kakandidato di’ng pagkakonsehal ang isang anak at ang tita ko. Barangay Chairman ang isang tito ko at nanalo ang anak niya bilang SK Chairman. Isang buong dynasty ang nagsisilbi sa bayan. Naging tradisyon na sa pamilya ang pagpasok sa politika. Kalabanin man ito ni Senador Mirriam Defensor-Santiago, nakasanayan na ito sa Pilipinas. Kahit nga ang mga Cojuanco-Aquino.

Nagakapag-aral ako sa mamahalin at magandang paaralan simula elementary hanggang kolehiyo. Subalit hindi ko pagtapos ng kolehiyo. Hindi naman ito balakid para paglingkuran ko ang mga tao. Ang mahalaga ay bang tunay na serbisyo na kinakailangan ng mga tao.  Bukal sa loob ko’ng huminto sa pag aaral dahil nararamdaman kong oras na para pumasok sa politika. Alam kong kaylangan na ang isang katulad ko para mag lingkod sa  mga tao. Alam ko namang dito rin ang landas ko ang pamumulitiko. Wala namang batas na nagbabawal sa pagtakbo ng mga hindi nakatapos. Kahit nga “no read, no write ka pa” pwedeng  kang tumakbo bilang presidente. May iilan ngang senador na hindi marunong mag ingles at copy paste ang mga sinasabi sa kamara. Alam ko namang alam niyo ang tinutukoy ko si Sen. Sotto. May iilan ding senador na katagal tagal na sa senado wala pang naisasabatas, pero hindi ‘yan ang pinupunto ko. Ang sa akin ang kapangyarihan at kaban ang mahalaga. Hindi na ‘yan uso sa mga politiko, karamihan sa amin may mga personal na pakay. Nagpapabango lang ako sa publiko para botohin.

Kasagsagan na pala ng kampanya. Kumakalat na ang mga posters, flyers, tarpaulin, at iba pa. Nagsisimula na ding mangampanya ang mga tatakbo gamit ang iba’t ibang stratehiya ng mga politiko. May iilang politikong ginagamit ang media para sa pangangampanya. Nansilabasan na ang mga proyekto, mga donasyon, at mga programa para kunin ang tiwala ng masa. Gaya ko, epektibo talaga ito.

At syempre, ang dating gawi. Mamimigay ako ng pera sa darating na eleksyon. Maghahakot ng mga taong galing sa ibang lugar para makaboto. At ang paborito kong buhayin ang mga patay para makaboto. Titiyakin kong ako ang mananalo.

Muli, Halalan2013 na ngayong Mayo 10. Botohin na ang mga karapat dapat sa posisyon. gamitin ang karapatang bomoto at makapili. At pinapangako ko ang kaginhawaan sa buhay at paglutas ng kahirapan sa ating probinsya.

Wag kaligtaang markahan ang bilog na hugis itlog ni Trapo Gwapito III.

Para sa tunay at tuwid na serbisyo!

kabus

KABOS

 

Paminsan sa buhay nakaakapag isip ka ng masama na hindi mo akalain ginagawa muna pala ang ganung bagay  sa ibang tao ang puot at galit nararamdaman mo. Hindi mo namalayan maynasasaktan  ka na pala na ibang tao. Hindi  mo  rin mawari bakit nagagawa mo yun, siguro nagiging agresibo lang tayo at nilalagay natin sa aksyun ang mga nararamdaman. Peru alam ba ninyu kung anu ang nararamdaman ko ngayon, napapaisip aku na sana pwedeng pumili ng mga taong nakakasama mo sa buhay. Yung pamilyang nakaka-angat , nabibigay kung anung gusto mo, nakakapag aral sa magandang eskwelahan na walang iniisap na bayarin at kung anu pa, lahat naman siguro  tayo  naghahanangad ng ganitong pamilya.diba? nangagarap ka din ng mabuting magulang at  mga mga kapatid na hindi problema at hindi  mo proproblemahin, kaya nga may konseptong  “ideal family” . Lahat naman  tayo nag aasam ng magandang buhay na walang iniisip na mga  gastusin  at  problema  kundi  mamuhay  lang.  siguro nga nakakapag isip lang tayo ng ganito kasi ramdam na ramdam natin ang hirap ng bawat  Pilipino sa tuwing nakikita mo sa telebisyun ang mga batang nasa lansangan, at mga pamilyang ginagawang tahanan ang kalsada, may mga iba din naghahanap ng makakain para makaraus at  maibsan ang gutom na nararadaman nila. Maraming klaseng mahirap ang makikita mo malulungkot ka, matatakot at magtatanong ka.bakit ganito?  bakit may ganitong buhay?. Ikaw din na isang mahirap hindi rin  mo alam papano sila tutulongan kahit sa maliit na bagay na alam mong mabuti. Hindi mo alam kung papano , … kasi  ikaw mismo nag sasakripisyo ka din para sa sarili mo at  sa pamilya para makakain ng tatlong beses sa isang araw, kasi kapag mahirap ang isang tao ang unag prioridad ang pagkain para maibsan ang nagugutom na mga  ahas sa tiyan. Siguro nga yan ang tunay na realidad ng buhay may mahirap at mayaman. Hindi lahat tayo  nilikha para maging mayaman at ganun din sa mahirap. Peru alam kung lahat naman tayo may misyun sa buhay at may sariling kapalaran.nasa sayo ang susi kung papano mo dadalhin ang buhay natatahakin mo. ..kasi ganito ang buhay ko
Mahirap ang isang mahirap, parang dala mo ang problema  ng mundo. Marami kang inisip na problema at iniisip mo din papano masulosyunan. Nagtatanong ka  din  may mahirap, na kung pwede lang sana mayaman ang lahat para walang iniisip, peru ganun ang realidad dapat taggapin. Peru bakit nga ba may mahirap? Siguro nga walng kongretong sagot para sa tanong na yan. Peru para sa akin  ang kahirapan ng buhay malalarawan ko siya parang hagdanan, nasa unang hakbang ka ng hagdanan  kapag  ikaw ay mahirap nasa taas ka naman kung   ikaw ay makapangyarihan at mayaman .bakit ba ganun  ang  paglalarawan ko sa mahirap.diba  lahat naman may pinagdadaanan na misyun. hindi naman kapag mahirap ka mahirap kana talaga sa buong buhay. Siguro nga naging mahirap ka ngayon at  sa isang araw mayaman kana. Yan ay dahil sa pag sasakripisyo mo na maabot ang mga pangarap mo kaya yun ang nagtulak sa sayo  para maka hakbang sa hagdanan at makawala sa kahirap na dinanas mo  kamakailan. Sakrispisyo ang kailan ng bawat pilipinong mahirap para makatakas sa buhay na hindi ninanais na matikman at Pangarap ang kailan natin para ang mga sakrispisyong gagawin natin may patutunguhan. Walang gusto maging mahirap sa buhay. Lahat tayo pinangarap ang kaginhawaan. Peru  alam ba ninyu May mga bagay rin nagpapasaya sa mga mahihirap na tao kahit sa ganong bagay masaya na sila at nababahidan ang lungot nadarama dahil sa mga ngiting hindi mababayaran ng sino man. Alam natin na kapag kainan na walang mahuhuli lahat ay naghihintay sa masarap na tuyo at mallit na kanin at mag sasalo-salo sa maliit na lamesa na gawa ni tatay. Sa ganung paraan masaya kapag kompleto ang pamilya at lahat nakakain at naibsan ang gutom. Iyan ang isang halimbawa na kahit maraming hirap at problema ang isang mahirap may tuwa pa rin nakadikit sa kanilang mga labi,masaya ang maging mahirap iniisip mo lang kung panu mabuhay sa araw-araw basta  ang importante sa pagiging mahirap wala kang ginagawang mali at inaapakan na tao. at nangangarap kang makaalis sa ganitong buhay at makahakbang sa hagdanan patungo sa kaginhawaan. Lahat naman tayo nangangarap ng kaginhawaan sinu bang taong hindi gusto ang  kaginhawaan nag aasam ang lahat sa ganitong istado. Peru alam natin hindi pantay ang buhay  at Lahat  tayo sa mundong ibabaw binigyan ng papel sa mundo nasa sayo kung panu mo gagamitin,gagalawin at sasayangin.