PROTESTA NG LIGA NG MAKABAGONG KABATAAN NGAYONG MAYO UNO!

 

Sa Full year Gross Domestic Product ng  Pilipinas noong nakaraang taon, tumaas ng 7.2% ang economic growth, mas mataas kaysa sa mga nakalipas na taon dahil dito tinagurian ang Pilipinas ng mga International Lending Agencies katulad ng IMF na Rising Tiger in South East Asia. Subalit sa paglago ng ekonomiya nanatili pa ring backward ang epekto sa mga marginalized sector o sa mga mahihirap sa lipunan. Nandyan pa rin  ang mga pangunahing problema katulad ng kahirapan,kagutoman at kawalan ng trabaho.

Ang, unemployment, underemployment, kontrakwal, maliit na sahud ay nananatili pa ring pangunahing isyu ng mga pilipinong mangagawa. Habang tumataas ang mga pangunahing bilihin sa merkado at kaikibat nito ang 12% vat sa bawat bilihin.

Basi sa datos ngayong taon, unemployment rate rose to 27.5 percent, or an estimated 12.1 million individuals, as 2.5 million Filipinos joined the ranks of the jobless between September and December, he level of joblessness across the country was almost 6 points higher than the 21.7 percent (some 9.6 million) in the previous quarter. The results were first published in BusinessWorld. (Social Weather Stations (SWS)/ http://newsinfo.inquirer.net/)

Isa sa pinakaapektadong sektor ay ang kabataan, kung saan patuloy ang bilang ng mga graduate sa kolehiyo na walang trabaho at nasa sektor din sa kabataan ang maraming bilang ng labor force sa pilipinas.

Nakikita na ang sistemang kontrakwalisasyon  ayon sa  (Article 106 of the Labor Code of the Philippines) ay isang pasakit sa mga mangagawa. Naging stratehiya at opputunidad ito ng mga gobyerno at mga nasa prebadong sektor na gawing kontrakwal ang mga empleyado  upang hindi maging regular at hindi tumaas ang sahod ng mga magagawa.

                Tulad ng lahat ng mga manggagawa sa ilalim ng kapitalistang sistema, ang pilipinong mangagawa ay hindi kailanman sapat ang sahod. Dahil ito sa mga sistemang katulad ng regional minimum wage ayon sa republic act No. 6727 o kilala sa “wage rationalization act”. Ibinagtibay ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang batas na ito.  Isa itong abuso sa  pilipinong mangagawa at hindi patas pagtranaho. Ayon National  wage commission of the Philippines ang ARMM ang minimum wage, umaabot lang ng  222 pesos samantalang ang NCR (national capital region) umaabot ito sa 410 pesos ang minimum wage, nakikita ang injustice na pagtrato ng gobyerno sa mga mangagawa ng manila empire. Resulta ito, sa pagsasamantala sa mga karapatan ng mga mangagawa  na gawing regionalize ang sahod.

                Isa din sa nakikitang dahilan ay ang sistemang neo-liberal globalization, binago nito ang sistemang Ekonomiya kung saan bukas ang  pagsasamantala at monopolyo ng mga dayuhan katuwang ang mga local na kolaborasyonista sa domestic.  Patuloy ang pagdami ng mga Multinational Corporation at Transnational Corporations, kaikibat nito ang ecological destruction at pagsira ng natural resources.

Ang pag dami ng mga pambansang patakaran nag aayon sa pribadong sektor at pagdami din ng mga batas, polisiya at programa na hindi nag aayon sa mga mangagawa (anti-labor laws), katulad ng oil deregulation law, privatization at pag-commercialize sa mga pangunahing social services.

At bilang paprotesta ng internasyonal na kilusang manggagawa ngayong mayo uno.

Ang liga ng makabagong kabataan, ay nakiisa sa pagprotesta sa mga pilipinong mangagawa ngayong mayo uno.  Naniniwala ang liga ng makabagong kabataan dala dala ang kanyang adbokasiya na patuloy ang pagpupunyagi laban sa katiwalian ng gobyerno lalong lalo na sa mga pilipinong mangagawa.  Nakita ng lmk na patuloy na pagsasamantala at pang aapi ng mga mangagawa dahil patuloy ang paghahain na dagdagan ang sahod, alisin ang mga batas na hindi nag aayon sa mga mangagawa  na pina iigting at pinapatupad ng gobyerno.

Ang liga ng makabagong kabataan dala ang adbokasiyang ipinaglalaban at dala ang sektor sa mga kabataan ay nananawagan sa mga gobyerno at ahensya ng DOLE  na pakinggan ang mga hinaing ng mga manggagawa at mga kabataan.  Nananawagan ang sektor ng mangagawa ng IBASURA ANG SISTEMANG KONTRAKWALISASYON AT ANG SISTEMANG REGIONALIZATION! PATI ANG SISTEMANG PRIBITISASYON NG LAHAT NG PAPUBLIKONG SERBISYO! Nanawagan DAGDAGAN ANG SAHOD NG MANGAGAWA AT DAGDAGAN ANG TRABAHO SA PILIPINAS!

Ang liga ng makabagong kabataan ay sasama sa protesta ngayong mayo uno dito sa iligan city, Mindanao  bilang pagpapakita ng suporta at pagkakaisa sa mga mangagawa.

                Patuloy ang liga ng makabagong kabataan sa pakikipaglaban sa mga na aapi lalong lalo na ang sektor sa kabataan  at mangagawa, maninindigan ang lmk sa adbokasiya at karapatan ng bawat isa at kikilos ang liga ng makabangong kabataan  hanggat may katiwalian sa sistema.

KABATAAN! LUMABAN ! MANINDIGAN! KUMILOS!