PEACE PROCESS

Ang bawat administrasyon ng republika ng pilipinas ay laging gumagawa ng sariling kasaysayan at marka sa isapan at karanasan ng bawat Pilipino. Isa dito ang pagpapanday ng kapayapaan sa Mindanao upang masolusyon ang walang tigil na gulo at bagbakan ng mga armadong grupo at militar.

            Ang GRP-MNLF Tripoli Agreement of 1976 ni Ferdinand Marcos nagsimula ang negosasyon sa pagitan ng Moro National Liberation Front at Government Republic of the Philippines upang mabigyan ng atensyon ang kanilang hinayang ng sariling atonomiya (self-ruled). Sinundan ng First Organic Act of ARMM under R.A. No. 6734 ni Cory Aquino. Nagpatuloy ang negosasyon sa panahon ni Fidel V. Ramos at patuloy din ang pakikibaka ng mga rebeldeng grupo. Lalong gumulo ang sitwasyon sa panahon ni Erap Estrada noong nag pagdeklara ng All-out-War sa Mindanao kung saan apektado ang lahat ng sibilyan.  Bumulik ang negosasyon sa panahon ni Gloria Arroyo sa armadong grupo, ang Moro Islamic Liberation Front. Noong 2008, gumawa ng bagong kasunduan ang GRP-MILF ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD), ngunit hindi ito nagtagal dahil kwenisyon ng saligang batas. Ngayong sa panahon ni President Noynoy Aquino binalik niya ang “MAKATUTUHANANG USAPAN NG PANGKAPAYAPAAN (GENUINE PEACE TALK)” sa pagitan ng GPH at MILF.

            Makalipas ang apat na dekada ng pakikipaglaban ng bagsamoro sa kanilang kasarinlan at sariling atonomiya ay “UNTI-UNTI NG NAKAKAMIT”. Noong nakaraang buwan sa Kuala lumpur Malaysia tinapos na ang huling pag uusap ng pangkapayapaan at nilagdaan na ng GPH at MILF ang pinakahuling annexes ng Framework Agreement of Bangsamoro  upang mabuo na ang Comprehensive Agreement Bangsamoro (final agreement) upang  basihan ng Basic Laws  sa pagpanday ng  Bangsamoro Government sa Mindanao ngayong 2016. Ito ay binubuo ng transition commission, wealth-sharing annexes, power sharing annexes, at normalization.

            Ang pagiging positibo ng gobyerno at milf makamtan ang bangsamoro government ay takot at pangamba ang aking naiisip bilang nagaadbokasiya ng inklusibong pangkapayapaan sa Mindanao, na umaasa na magiging matagumpay ang proseso at makamtan ng mga moro ang karapatan ng sariling pagpapasya (right to self-determination) na matagal na nilang pinaglalaban.

            Ang legality ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) na maaring kwestiyonin ng korte suprema dahil sa unconstitutional bases. Batay sa konstitusyon, ang pwedeng gumawa ng isang komisyon ay ang saligang batas (legislative body) lamang at hindi pwedeng gumawa ang Executive Body, ang pwedeng gawin lang ni PNOY ay mag talaga. For instance, the creation of TRUTH CONMMISION by Pnoy, it was denied by Supreme Court because unlawful content at posibling mangyari ito sa Framework             Agreement of Bangsamoro.

            Ang “decommissioning of gun” sa loob ng Annex on Normalization,  ang mga Armadong Grupo (Communist Part of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), Bangsamoro Independent Freedom Fighter (BIFF), Moro National Liberation Front (MNLF) at Private Armies) ay napakakomplikado at mahirap maisakatupan. Hindi basta-basta ang pagpapasuko ng mga armas sa mga armadong grupo dahil may sariling silang ideolohiya at motibo sa gobyerno bakit sila nakikibaka. Hindi rin nakasaad sa Annex on Normalization kung ano ang mekanismo at papaano “mapacify” ng central government at MILF ang mga armadong grupo.  Ang patuloy na bombing at summary killing ay katibayan na hindi “magdi-disarmed” ang mga rebeldeng grupo.

            Ang bagong political entity ng bangsamoro government ay posibling maging bukas sa kompetisyon ng mga makapangyarihang pamilya sa Autonomous Region in Muslim in Mindanao.

            Ang pagwalang bahala ng Gobyerno sa framework agreement of bangsamoro ng mga Indigenous People ay posibling makakaapekto sa pagkamit ng bangsamoro government at ancestral domain ng mga lumad. Ginigiit ngayon ng mga IP’s ang kanilang karapatan ng sariling pagpapasya gumawa din ng political entity na tatawaging BANGSAMAMALU.

            Isa din sa tinitigana sa bagong political entity ng bangsamoro ang isyu ng cultural preservation. Kung saan posibling mawawala ang sultanate system ng mga muslim dahil sa adaption of Ministerial form of government.

            Ang muling pagbukas ng konstitusyon upang isama (to integrate) ang basic laws ng bangsamoro ay maaring pagmulan ng malaking problema. Pwedeng gamitin ito upang itulak ang charter change. Ayon kay Minority Leader Sen. Allan Peter Cayetano, “economic provision nalang ang kulang upang maisakatuparan at maitulak ang charter change (CHA-CHA)”.

            Iilan lamang ito sa mga nanakitang problema at epekto kung maisasakatuparan na ang bangsamoro government sa Mindanao. Gayun paman, bilang nag aadbokasiya ng sustinabli at  inklusibong kapayapaan sa Mindanao ako ay susuporta sa kapatid nating bangsamoro sa pagpanday at pagkamit ng makakatuhanang atonomiya. #

Advertisements

Author: kadree

An EcoSocialist Marxist-Leninist with Che Guevara inked. A Freelance Activist and Writer.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s