BE[a]ware of Climate Change

Undoy,

Sendong,

Pablo,

At ngayon

Yolanda na naman.

 

Ito ay mga SUPER TYPHOON.

Ito ay mga kalamidad na posibling gawa ng mga tao at posibling hudyat na ng CLIMATE CHANGE.

 

Ito ay mga pangalan ng bagyong pumapasok sa Philippines Area of Responsibility (PAR).  Ito ay hindi ordinaryong kalamidad, trahedya, at sakuna na sumira ng mga bahay, pananim, pasilidad at buhay ng mga Pilipino.

            Ang Bagyong Undoy ay humagapit sa metro manila.Sinira ang mga pasilidad, bahay at kumitil ng buhay. Ika-17 ng Desyembre taong 2011, humagapit ang bagyong sendong sa Northern Mindanao. Itinala ng DOST-PAGASA, ang sendong ay isa sa pinakamalakas na bagyong pumasok sa Mindanao at kumitil ng libo libo buhay kasali ang mga buhay na hindi pa nakikita mapahanggang ngayon. Pablo ang pangalawang supertyphoon na  pumasok sa Mindanao. Kumitil din ng libo libong buhay, sinira ang mga kabuhayan at pananim ng mga lumad sa compostela valley. At ngayon Yolanda, itinala ng NASA at JAPAN Meteorological ang Yolanda (International name: HAIYAN) ang pinakamalakas na bagyong dumaan sa lupa sa kasaysayan ng mundo at hinagupit nito  ang kabisayaan.

Iilan lamang ito sa mga bagyong dumadaan sa pilipinas na may marka sa kasaysayan, nakatatak sa isipan at karanasan ng bawat Pilipino.

 

Ngunit may rason ang lahat ng bagay, may rason kung bakit nangayayari ang isang pangyayari, may rason kung bakit maypaninisi, may rason kung bakit marami ang napinsala, may rason kung bakit nararanasan natin ang mga malalakas ng bagyo, may rason kung bakit nararamdaman natin ang Climate change, may rason kung bakit konektado ang lahat at may rason kung bakit apektado ako, ikaw at tayong lahat.

 

Ang patuloy na illegal logging sa mga kabukiran, ito ang naging rason kung bakit lumala ang trahedyang sinapit ng mga taga iligan at Cagayan noong humagapit ang bagyong sendong, troso ang sanhi bakit maraming namatay. Ito rin ang epekto kung bakit maraming kaso ng landslide at pagbaha sa mga lugar na malapit sa dagat at ilog. Ngunit wala pa ring matibay na implementasyon at programa ang gobyerno at ahensya (DENR) na ipagbawal ang logging. Wala pa ring naakusahan na mga loggers at mga kompanyang sakot.

             

Ang patuloy ng pagamit ng mga kemikal, pagtapon ng basura, pagsunog ng plastic ay posibling rason kung bakit nakakaranas tayo ng mga malalakas na bagyo. Isa din sa nakikitang rason ng mga environmentalist ang patuloy ng pagbuga ng carbon emission ng mga malalaking industriya ng China, US, Japan at Russia ay nakakadagdag sa pagsira ng greenhouse kahit may Kyoto Protocol na kasunduan ang mga malalaking bansa para limitahan ang pagbuga. Ngunit naging tulay pa ito upang magkaroon ng carbon trading at carbon taxation at pagsasamatala sa mga developing countries katulad ng pilipinas na nasa ring of fire at harap ang pacific ocean.

 

Ang pagdami ng corporasyon at mining industry ay iisang din sa  rason kung bakit nauubos ang mga kakahuyan at nakakalbo ang mga kabukiran sa Bukidnon, Northern Luzon Region, Zamboanga, Compostela Valley, Surigao at maraming pang iba. Ito ay dahil sa Mining Act of 1995 kung saan pinapayagan ng gobyerno ang mga pribadong sektor magtayo ng mga multicorporation.

 

Ang kawalan ng atensyon ng gobyerno sa usaping climate change at global warming ay posibli ding rason kung bakit patuloy ang pag aabuso at pagsasamantala ng mga Pilipino sa kalikasan at pagwalang bahala sa isyu. Ang gobyerno ay may responsibilidad gumawa ng mga programang patungkol sa isyung climate change upang tumaas ang kanilang “consciousness” at maging aware sa nangayayari. Ngunit mas nakikkita pa ang aksyon ng mga Civil Society Organization (NGO at People’s Organization), mga progresibong grupo at mga institusyon.na nag aadbokasiya ng mga alternatibong solusyon (e.g. green economy, ecosocialism) at paglalaban ng mga anti-environment policies (e.g. repeal mining act, development aggression)

 

Ang risk reduction at preparasyon ng national at local government at ang kulang na kagamitan ay posibling rason kung bakit lumalala ang sinapit ng mga Pilipino. Ang pilipinas ay kumukuha at naghihintay lamang ng inpormasyon galing sa NASA at JAPAN Meteorological.  Bago mag dalawang lingo ng humagapit si Bagyong Yolanda may ibinigay ng inpormasyon ang NASA. Subalit naging busy ang  lahat sa isyung pork barrel.

                       

            Marami na ang bilang ng mga Internal Displaced Peoples’ (IPDs) sa pilipinas. Matapos nangyari ang sendong, Pablo at Yolanda, libo-libong pamilya ang apektado sa kalamidad, walang matirahan, walang pangkain, at walang kabuhayan. Sa iligan, mapahanggang ngayon may iilan pa rin ang nakatira sa tent at transitory house. Marami pa rin ang nahihintay sa ipangakong livelihood at scholarship ng gobyerno para sa mga survivor. (basi sa Iligan Survival Movement (ISM).

           

            Ang pagbabadya ng pagtaas ng temperatura sa mundo (the world temperature will rise between 2% and 4% in the next 10 years according to scientists), ang pagyeyelo ng pyramid of Giza, ang matinding lamig dulot ng polar vortex, ang pag ulan sa middle east countries at ang pagdami ng mga malalakas ng bagyo at kalamidad ngayon ay hindi pangkaraniwan pangyayari sa mundo,

ITO AY HUDYAT NA NG CLIMATE CHANGE.

#CLIMATEJUSTICENOW!

Advertisements

Author: kadree

An EcoSocialist Marxist-Leninist with Che Guevara inked. A Freelance Activist and Writer.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s