Apat na Taon Na: Katarungan, Nasaan Ka?

Habang ang lahat ay abala sa iba’t-ibang bagay, sa araw na ito makalipas ang apat na taon, may 58 na murang katawang tinabunan ng lupa bunga ng pagka-ganid sa kapangyarihan at dulot ng sistemang mapaniil sa isang sulok ng probinsay ng Maguindanao. Mga mamamahayag at sibilyang nais lamang sana isapraktika ang karapatang lumahok sa halalan at ipabatid sa lipunan ang mga pangunahing kaganapan, sa isang iglap, sama-sama na silang lumisan. Kinitil ang Buhay nang walang kalaban-laban.

Ang Tuwid na Daan.

Uhaw! Matagal na! Uhaw sa Katarungan ang mga Kaluluwa at mga kaanak at kaibigan ng mga biktima. Umasa na sa pagpalit ng bagong pamunuan dala-dala ang TUWID NA DAAN na krusada ay mas may kabuluhan ang Sistema ng Katarungan ng bansa. Subalit, tila hanggang krusada na lamang ito sa politika ng pag-impluwensyang kumampi na sa bagong pamunuan ng bansa ang malaking clan na sangkot sa nasabing karumal-dumal na krimen. Hanggang ngayon Uhaw sa Katarungan! Hindi ramdam ang tuwid na daan.

Masaker sa Sangkatauhan! Masaker sa Karapatan! Masaker sa Kalikasan! Masaker Kahit Saan!

Ang Maguindanao Massacre ay isa lamang sa napakaraming mukha ng Masaker sa Karapatang sinapit ng mamamayan. Lahat na lang ay gagawin nang mga nasa posisyon upang ipagtanggol ang kanilang pagka-ganid.

May iba ding mukha ng Masaker ngayon na tila ba, bumabalik-balik pa. Ang Masaker sa Kalikasan.

Ang patuloy na paglikom ng ginansya at tubo ng mga kapitalistang dayuhan at lokal kakuntsaba ang mga institusyong politikal ay naghatid sa sangkatauhan sa sadlak at dulo ng kawalan.

Lumalawak ang bilang ng nagugutom at naghihirap, nawawalan ng trabaho at naghahanap, at iba pa.

Dulot nitong hagupit ng bagyong Yolanda, may dagdag na 5.1 Milyon ang walang trabaho sa lakas pag-gawa ng bansa. Apektado ang halos 13 Milyong mamamayan at karamihan ay mahihirap na sa wala pa ang kalamidad ay nagtitiis na sa hgupit ng ekonomiyang hindi maka-tao.

Katarungan, Nasaan?

Nitong ika-apat na taon mula nang maganap ang Maguindanao Massacre, ang Liga ng Makabagong Kabataan kasama ang iba pang mga kilusang nagsusulong ng Katarungan para sa mga biktima ay PATULOY na NAGPAPABATID at SUMISIGAW ng KATARUNGAN para sa mga KALULUWANG UHAW!

KATARUNGAN para sa KALIKASAN! KATARUNGAN para sa mga BIKTIMA ng YOLANDA! KARAPATAN, IPAGLABAN!

Reemar Alonsagay
Secretary General
LMK-Ranao
lmkabataan@yahoo.com.ph

Advertisements

Author: kadree

An EcoSocialist Marxist-Leninist with Che Guevara inked. A Freelance Activist and Writer.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s