HUSTISYA alang sa Sendong Survivors

December 17, 2011- Siyam na araw bago sisipat ang pasko ngunit hindi saya ng pasko ang inabutan kundi lungot, iyak sa mga mata at ulila ang pagsalubong nila ng pasko at bagong taon .

 Isang pangyayari hindi inaasahan mangyari sa northern Mindanao, isang pangyayari  hindi malilimutan at isang pangyayari kumitil  ng mahigit libo-libong tao-SENDONG.

Kung babalikan natin ang history ng sendong  isa ito sa mga pinakamalakas ng bagyong dumaan sa Mindanao na kumitil ng libo-libong buhay. Inaakala ng lahat isa lang itong ordinaryong bagyo ngunit nabigo ang katauhan. Nakita natin ang Northen Mindanao ang isa sa mga na “ wash out” at pinaka grabe sa  na apektuhan  sa panahun ng diluyo . Ang iligan city ang pinaka maraming numero sa mga namatay at missing mapa hanggang ngayun at alam nating lahat sa pahanun ng baha may kasama itong troso galing sa bundok at yun ang rason sa bakit maraming namatay. Libo- libo ang mga namatay sa panahun ng  bagyong sendong at hindi ito inaasahang umabot sa ganitong lebel ng sakuna. Maraming na ulila, nawalan ng ama, ina, anak, lolo, lola, at kapatid .hanggangy ngayung nagtatanong  at hindi pa maalis sa isipan nila bakit nangyari ito. Marami ang nawalan ng tahanan dahil umabot sa atip ang tubig. Walang naisalba dahil gulat na gulat sila sa pangyayari. At mapahanggang ngayun marami pa ang nawala hindi mahanap hanap dahil sa mga lupang nakatabun.  Ito ang mga sunod sunod na pangyayari sa panahun ng sendong.

At Ngayong araw, December 17, 2012-ang pag ala ala sa libo libong  namatay, na ulila, at nawalan  ng tahanan. Isang taon anibersaryo ng bagyong sendong.

Ang liga ng makabagong Kabataan naki isa, nakisama sa  pag ala ala sa  mga sendong victims at ang  1st year anniversary ng sendong. Ang lmk ay naglalayun at nakikisama upang  makamtan nila ang hustiya alang alang sa mga namatay at naulila sa panahun ng bagyong sendong. Kung titignan natin malaki ang papel ng goberno sa ganitong sakuna. Ngunit nakita ng lmk ang kabaliktaran sa mga dapat mangayari pagkatapos ng sendong. Parang hindi pinigyan pansin ng goberno ang ganitong sitwasyun kung mayroon mang agarang  aksyun usad pagong pa rin.

Kung titignan ng Lmk, maraming rason bakit nangayari  ang kagimbal gimbal na pangyayari:

Isa, ang pagdami ng illegal logging sa bukirin, nakita natin pagkatapos ng bagyo maraming troso ang nakakalat sa dagat ito ang isa sa manifestation na hindi pa rin control ng goberno. Kung titignan natin sa konstitusyun ng pilipinas may batas para sa pagbabawal pumutol ng mga punong kahoy. Ngunit rampant pa rin ang ganitong pangyayari hindi pa sila natutu ang mga illegal logger na marami silang napatay sa kanilang trabahung illegal.

Pangalawa, ang less priority ng national government sa Mindanao, nakita ng lmk  ang pagwalang bahala sa mga nangyayaring kalamitad sa Mindanao, hindi binigyang diin at pansin. Isang taon na ang nakalipas ngunit marami pa rin pamilya ang ulila, walang maayos na dislokasyun. Ang social service katulad ng health hindi maibigay bigay, kuryente, tubig, at free education sa mga na sendong. Ito’y  naipangaku ng local government ng iligan city nabibigyang aksyun. Ngunit patay malisya pa rin ang goberno. Patuloy ang walang hustisya  pagkalipas ng isang taon. Sa pagkaka alam ng LMK maraming donation galing sa different institution mapa international, ngunit sa iba napupunta o naibulbulsa ng mga politiko.

Ang liga ng makabaong Kabataan ay nanawagan sa local government ng iligan city:

Isa ang pag audit ng mga funds galing sa mga donasyun ng ibat ibang institution mapa national at international.

Pangalawa, transparency ng goberno sa mga dokumento sa panahun ng sendong.

Pangatlo, relocation ng mga survivors, mga social services (e.g. edukasyun at kalusugan).

Dahil sa patuloy tuloy na paghahangad  at paghahanap ng hustisya at patuloy na lalaban sa karapatanng mga IDP’s , ang liga ng makabagong kabataan ay gumawa ng inisyatibo/programa/aktibitad ngayong araw upang pag ala ala sa mga namatay at naulila.

1.       Pagsalubong  sa 1st anniversary ng sendong. Alas  tris ng madaling araw gumawa ng torch parade ang kabataan hanggang sa hinaplanun bridge.  Apat na oras nanatili sa tulay.  Nagsabit ng mga streamer at banner na nanagawan ng hustisya alang alang sa sendong victims at survivors. Bago natapos ang aktibitad  nag pa anud ng kabaong at bulaklak sa tulay para sa pa gala ala.

2.       9am ngayung araw gumawa ng demonstration rally, nag simula ito sa post office at nilibut ang lungsod ng iligan. Koneksyun din ito sa anibersaryo ng sendong at launching sa bagong pakulo tungkol sa sistemang politika sa pilipinas, alam nating dala dala pa din ng mga politico ang tradisyunal na Gawain tuing sasapit na ang eleksyun, nandyan ang pagsabit ng mga tarpaulin ni mayor nag babati ng  “maligayang pasko sa lahat”, uso din ang politikal na dynasty kung saan lahat ng kamilya ay kakandidato. Dahil sa nakitang bulok na sistema ng mga kabataan gumawa ng pakulo kung saa nandyan si Trapo gwapito isang karakter ng politiko sa pilipinas. Dalawang oras umikot sa lunsod kasama ang mga panagawan ng mga IDP’s nag lalayun mapansin ng goberno ang  mga sinteminto ng mga survivor.

3.       Ala dos ng hapon isang misa  at programa ng LGU sa mga sendong survivors, Nakiisa sa programa ang Iligan Survivors Movement kung saan nag handa din ng mga aktibidad katulad ng pag anud ng mga kabaung sa Gerona Bridge. Nandyan di ang pagsidi ng Torch at kandila ng mga survivors at tinirik sa gilid ng ilog. Nakiisa  din ang Liga ng Makabagong Kabataan saaktibidad ng ISM.  Mahigit kumkulang  889 na IDP’s ang nakiisa sa unang aniversaryo ng sendong. May iilan ding nagpalipad ng mga balon at lantern.

Isang araw nag pag selebra sa mga survivors at pag ala ala sa mga namatay nilang pamilya  at missing ma pa hanggang ngayun.  Matagumapay nagawa ng Liga ng makabagong kabataan ang mga aktibidad at launching.

Ang liga ng makabagong kabataan ay patuloy sa  pakikibaka ng  adbokasiya alang alang sa mga sendong survivors at ibat ibang mukha ng sakuna sa pantao. Ang LMK ang patuloy lalaban sa mga mapang aping burgis sa lipunan. Ang LMK ang patuloy manindigan sa karapatang pantao. At ang LMK ay patuloy kikilos hanggat may naaapi sa lipunan.#

                                                                                                                                                           

 

 

Pagsalubong sa Mindanao Week of Peace

CineMasa (Viewing Realities)

Matagumpay nailunsad ng Liga ng Makabagong Kabataan (LMK)- Ranao ang  Cinemasa at bilang paghahanda sa Musikausaban (November 30, 2012) bilang pagbukas ng isang linggong selebrasyon ng Mindanao Week of Peace  sa Iliugan City sa  temang “ Katumanan sa Tawhanong Katungod, Pundasyon sa Malahutayong Kalinaw ug Hustisya alang sa Malambuong Katilingban.”

Mga ala singko ng hapun nag simula ang aktibitad sa pangunguna ng LMK . Naglabas ng panawagan ang Liga ng                 Makabagong Kabataan at Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan bilang kampanya at pagkakaisa ng mga kabataan tungo sa kapayapaan. Naki jamming din sa pagkanta ang Volume 14 at Sugo band para aliwIn ang mga nanunuod. Sinundan ng CineMasa – ang Public Viewing  na kinatampukan ng mga sari’t saring dokyumentaryo patungkul sa food sovereignty, human rights, water privatization, land struggles, Peace processes at marami pang iba.

Naki -isa din  ang Mindanao Peoples’ Peace Movement (MPPM), Lanao Alliance of Human Rights Advocate (LAHRA), RDRRAC, RTMGPD, Sumpay Mindanao, SALAM Inc., ERDAC, Mindanao Tri People Youth  Center  sa pagselebra Mindanao Week of peace.

Panawagan ng LMK na suportahan at daluhan uli ng publiko ang isasagawang MusiKausaban na siyang paraan sa paggunita sa ika-149 na Kapanganakan ni Supremo Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan na gaganapin sa Ika-30 ng Nobyembre, 2012 sa Iligan City Post Office. Itatampok ang mga awiting alay sa mga biktima ng Bagyong Sendong at paniniil sa karapatan.

Alas 10 ng gabi natapos ang CineMasa ng matiwasay at mapayapa na umani ng suporta sa mga manunuod.

# Cadree Aktibista