EPALITIKO

Iboto si TRAP

(Traditional Politician)

By : ( Reemar B. Alonsagay)

 

ImageAko si Trapo Ko. Gwapito III.

Kumakanditado bilang gobernador ng Probinsya Gwapito del sur, anak ng dating Congressman. Dating Mayor rin ng aming munisipyo, matapos mapalitan ng aking nakakatandang kapatid. Tumigil lang ako saglit sa politika dahil nag kastroke ako, pero sa awa ng Diyos pinagaling niya ako. Alam niyang kailangan ko pa’ng maglingkod  sa masa, at  ngayon nagkalakas ng loob akong kumandidato dahil sa tiwala na binigay sa akin ng mga tao.

Noong nakaraang taon, nagpaparamdam na ako (wag kang maiingay ha?) sa gilid ng mga kalye. Naglalagay ng mga tarpaulin na bumabati ng “Happy Graduation” sa mga nagtatapos, “Maligayang Pasko” naman noong Disyembre.  Katabi nga ng mga tarpaulin ko ang mukha din ng asawa ni Senador Villar. Napapakinggan din ako sa lahat ng  estasyon ng radyo sa probinsya. Sabi nila premature campaign ang ginagawa ko pero wala namang masama sa bumabati at sa nagpaparamdam. Bakit, may nakakaalam ba? Wala naman akong nilalabag na batas ng COMELEC. Masaya na ako na kahit sa ganyang mga paraan lamang ay mapasaya ko ang mga tao sa pamamagitan ng pagbati sa kanila.

Noong isang buwan nag organisa ako ng libreng gamutan at tuli sa lahat. May kasali pang libreng dalawang kilong bigas at tatlong lata ng sardinas. Nag-abot rin ako ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Pinangako ko sa kanila na kapag ako’y kakandidato at mananalo sa halalan, marami akong gagawing proyekto para sa mahihirap. Tutulungan ko silang maka-ahon sa kahirapan. Dadalhin ko sila sa tuwid na daan.. Matatapos na rin ang kalsada na proyekto ko upang makadaan na ng maayos at ligtas ang mga motorista. May pangalan ko pa nga sa gilid ng kalsada: DONATED BY : TRAPO GWAPITO III

            Noong kasagsagan ng pagpaparehistro para sa eleksyon, may inaabot akong pagkain sa mga taongs pumipila sa COMELEC. Kawawa nama sila, mahaba ang pila. Mainit diba? Kaya ‘yun, nag bigay din ako ng envelop na may lamang papel. Pera yun. Ang pinaka maliit na naibigay ko ay 100php. Natuwa din ang mga kabataan sa ginawa ko dahil natutulungan daw sila. Kahit sa ganoong paraan daw, may nakukuha sila nang walang hirap.

Sa makatuwid galing ako sa mayamang pamilya pero nangingibawbaw pa rin yung  interes ko para sa tao. Isa kami sa pinakamalaking nagmamay-ari ng kalupaan sa Mindanao. “Landlord” ang tawag sa amin (hindi ko na sabihin kung ilang hektarya, baka mabuko pa ng DAR). Binili na ng lolo ko sa mga nitibo (I.Ps) ang lupa sa presyong sampung daang libo.

Nasa angkan at dugo na namin ang pamumulitiko. Dating Congressman ang Lolo ko. Tumigil na siya sa pulitika dahil sa edad. Pumalit sa kanya ang tito ko, at ngayon kakandidato siya muli bilang congressman. Vice-mayor din ang asawa ko at matatapos na din ang termino niya at papalit sa kanya ang kapatid ko’ng si Epal Gwapito pagkaMayor. Kakandidato di’ng pagkakonsehal ang isang anak at ang tita ko. Barangay Chairman ang isang tito ko at nanalo ang anak niya bilang SK Chairman. Isang buong dynasty ang nagsisilbi sa bayan. Naging tradisyon na sa pamilya ang pagpasok sa politika. Kalabanin man ito ni Senador Mirriam Defensor-Santiago, nakasanayan na ito sa Pilipinas. Kahit nga ang mga Cojuanco-Aquino.

Nagakapag-aral ako sa mamahalin at magandang paaralan simula elementary hanggang kolehiyo. Subalit hindi ko pagtapos ng kolehiyo. Hindi naman ito balakid para paglingkuran ko ang mga tao. Ang mahalaga ay bang tunay na serbisyo na kinakailangan ng mga tao.  Bukal sa loob ko’ng huminto sa pag aaral dahil nararamdaman kong oras na para pumasok sa politika. Alam kong kaylangan na ang isang katulad ko para mag lingkod sa  mga tao. Alam ko namang dito rin ang landas ko ang pamumulitiko. Wala namang batas na nagbabawal sa pagtakbo ng mga hindi nakatapos. Kahit nga “no read, no write ka pa” pwedeng  kang tumakbo bilang presidente. May iilan ngang senador na hindi marunong mag ingles at copy paste ang mga sinasabi sa kamara. Alam ko namang alam niyo ang tinutukoy ko si Sen. Sotto. May iilan ding senador na katagal tagal na sa senado wala pang naisasabatas, pero hindi ‘yan ang pinupunto ko. Ang sa akin ang kapangyarihan at kaban ang mahalaga. Hindi na ‘yan uso sa mga politiko, karamihan sa amin may mga personal na pakay. Nagpapabango lang ako sa publiko para botohin.

Kasagsagan na pala ng kampanya. Kumakalat na ang mga posters, flyers, tarpaulin, at iba pa. Nagsisimula na ding mangampanya ang mga tatakbo gamit ang iba’t ibang stratehiya ng mga politiko. May iilang politikong ginagamit ang media para sa pangangampanya. Nansilabasan na ang mga proyekto, mga donasyon, at mga programa para kunin ang tiwala ng masa. Gaya ko, epektibo talaga ito.

At syempre, ang dating gawi. Mamimigay ako ng pera sa darating na eleksyon. Maghahakot ng mga taong galing sa ibang lugar para makaboto. At ang paborito kong buhayin ang mga patay para makaboto. Titiyakin kong ako ang mananalo.

Muli, Halalan2013 na ngayong Mayo 10. Botohin na ang mga karapat dapat sa posisyon. gamitin ang karapatang bomoto at makapili. At pinapangako ko ang kaginhawaan sa buhay at paglutas ng kahirapan sa ating probinsya.

Wag kaligtaang markahan ang bilog na hugis itlog ni Trapo Gwapito III.

Para sa tunay at tuwid na serbisyo!

Advertisements

kabus

KABOS

 

Paminsan sa buhay nakaakapag isip ka ng masama na hindi mo akalain ginagawa muna pala ang ganung bagay  sa ibang tao ang puot at galit nararamdaman mo. Hindi mo namalayan maynasasaktan  ka na pala na ibang tao. Hindi  mo  rin mawari bakit nagagawa mo yun, siguro nagiging agresibo lang tayo at nilalagay natin sa aksyun ang mga nararamdaman. Peru alam ba ninyu kung anu ang nararamdaman ko ngayon, napapaisip aku na sana pwedeng pumili ng mga taong nakakasama mo sa buhay. Yung pamilyang nakaka-angat , nabibigay kung anung gusto mo, nakakapag aral sa magandang eskwelahan na walang iniisap na bayarin at kung anu pa, lahat naman siguro  tayo  naghahanangad ng ganitong pamilya.diba? nangagarap ka din ng mabuting magulang at  mga mga kapatid na hindi problema at hindi  mo proproblemahin, kaya nga may konseptong  “ideal family” . Lahat naman  tayo nag aasam ng magandang buhay na walang iniisip na mga  gastusin  at  problema  kundi  mamuhay  lang.  siguro nga nakakapag isip lang tayo ng ganito kasi ramdam na ramdam natin ang hirap ng bawat  Pilipino sa tuwing nakikita mo sa telebisyun ang mga batang nasa lansangan, at mga pamilyang ginagawang tahanan ang kalsada, may mga iba din naghahanap ng makakain para makaraus at  maibsan ang gutom na nararadaman nila. Maraming klaseng mahirap ang makikita mo malulungkot ka, matatakot at magtatanong ka.bakit ganito?  bakit may ganitong buhay?. Ikaw din na isang mahirap hindi rin  mo alam papano sila tutulongan kahit sa maliit na bagay na alam mong mabuti. Hindi mo alam kung papano , … kasi  ikaw mismo nag sasakripisyo ka din para sa sarili mo at  sa pamilya para makakain ng tatlong beses sa isang araw, kasi kapag mahirap ang isang tao ang unag prioridad ang pagkain para maibsan ang nagugutom na mga  ahas sa tiyan. Siguro nga yan ang tunay na realidad ng buhay may mahirap at mayaman. Hindi lahat tayo  nilikha para maging mayaman at ganun din sa mahirap. Peru alam kung lahat naman tayo may misyun sa buhay at may sariling kapalaran.nasa sayo ang susi kung papano mo dadalhin ang buhay natatahakin mo. ..kasi ganito ang buhay ko
Mahirap ang isang mahirap, parang dala mo ang problema  ng mundo. Marami kang inisip na problema at iniisip mo din papano masulosyunan. Nagtatanong ka  din  may mahirap, na kung pwede lang sana mayaman ang lahat para walang iniisip, peru ganun ang realidad dapat taggapin. Peru bakit nga ba may mahirap? Siguro nga walng kongretong sagot para sa tanong na yan. Peru para sa akin  ang kahirapan ng buhay malalarawan ko siya parang hagdanan, nasa unang hakbang ka ng hagdanan  kapag  ikaw ay mahirap nasa taas ka naman kung   ikaw ay makapangyarihan at mayaman .bakit ba ganun  ang  paglalarawan ko sa mahirap.diba  lahat naman may pinagdadaanan na misyun. hindi naman kapag mahirap ka mahirap kana talaga sa buong buhay. Siguro nga naging mahirap ka ngayon at  sa isang araw mayaman kana. Yan ay dahil sa pag sasakripisyo mo na maabot ang mga pangarap mo kaya yun ang nagtulak sa sayo  para maka hakbang sa hagdanan at makawala sa kahirap na dinanas mo  kamakailan. Sakrispisyo ang kailan ng bawat pilipinong mahirap para makatakas sa buhay na hindi ninanais na matikman at Pangarap ang kailan natin para ang mga sakrispisyong gagawin natin may patutunguhan. Walang gusto maging mahirap sa buhay. Lahat tayo pinangarap ang kaginhawaan. Peru  alam ba ninyu May mga bagay rin nagpapasaya sa mga mahihirap na tao kahit sa ganong bagay masaya na sila at nababahidan ang lungot nadarama dahil sa mga ngiting hindi mababayaran ng sino man. Alam natin na kapag kainan na walang mahuhuli lahat ay naghihintay sa masarap na tuyo at mallit na kanin at mag sasalo-salo sa maliit na lamesa na gawa ni tatay. Sa ganung paraan masaya kapag kompleto ang pamilya at lahat nakakain at naibsan ang gutom. Iyan ang isang halimbawa na kahit maraming hirap at problema ang isang mahirap may tuwa pa rin nakadikit sa kanilang mga labi,masaya ang maging mahirap iniisip mo lang kung panu mabuhay sa araw-araw basta  ang importante sa pagiging mahirap wala kang ginagawang mali at inaapakan na tao. at nangangarap kang makaalis sa ganitong buhay at makahakbang sa hagdanan patungo sa kaginhawaan. Lahat naman tayo nangangarap ng kaginhawaan sinu bang taong hindi gusto ang  kaginhawaan nag aasam ang lahat sa ganitong istado. Peru alam natin hindi pantay ang buhay  at Lahat  tayo sa mundong ibabaw binigyan ng papel sa mundo nasa sayo kung panu mo gagamitin,gagalawin at sasayangin.

 

para to sa mga cadres!

Kolektibong Aksyon para sa Pambansang Demokrasya!

 
Kolektibong Aksyon para sa Pambansang Demokrasya!

Pebrero 25, 1986 ay isang makabuluhang pambansang kaganapan na minarkahan ng bawat Pilipino. 

Ang himagsikang ng lakas ng bayan (People Power Revolution) na tinatawag ding Edsa Revolution 1986 ay isang matatawag na kasaysayan sa pilipinas at sa boung mundo na mapayapang demostrasyon ng masa na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mulas Pebrero 22 hanggang Pebrero 25ng taong 1986 sa panahon ng rehiming marcos. Nag-ugat ang nasabing pag aklas sa kolektibong pagkakasunod-sunod ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktauryang pamumuno ni Ferdinand Marcos. Ang rebolusyon ay resulta ng mahabang pinahihirapan kalayaan at ang buhay na pagbabanta ng pang-aabuso na isinagawa ng pamahalaan ng Marcos banggitin ang ilang mga kaganapan tulad ng mga karapatang pantao, mga anumalya, katiwalian, pangungurakot at paglabag sa konstitusyun at ang malupit na militar na batas ng pagpapahayag sa 1972(Martial Law). Isa rin sa mga rason ang pagka paslang ni Ninoy Aquino noong 1983 na nagdulot ng paglahuk ng ibat ibang sektor ng lipunan. Imbis na takot ang mararamdaman ng mga Pilipino naging matapang at naging tulay ito sa pag aklas at pagkilos upang mapatalsik ang diktatoryang marcos sa kanyang kapangyarihan na dulot ng pagbagsak ng pilipinas sa ekonomiya, pagpatay ng mga sibilyan at di pag sunod sa konstitusyun. 
Ngayong araw na ito pinagdiriwirang ng bawat Pilipino ang ika dalawampu ikapitong(27th) anibersaryo ng People Power Revolution at ang tinatawag na DEMOKRASYA ng mga Pilipino. Sa kasaysayan ng EDSA revolution nakita natin ang kolektibong protesta, pagkilos at pagkakaisa ng mga Pilipino upang kalabanin ang administrayun at ang bulok na sistema ng pilipinas at dahil sa KOLEKTIBONG AKSYUN ng masa napatalsik ang rehiming marcos.- At ang Liga ng Makabagong Kabataan (LMK) at DUYOG Tri People Youth Organization ay nakikiiisa sa paggunita ng anibersaryo ng EDSA Revolution ngayong araw na ito Pebrero 25, 2013. Naniniwala ang LMK at DUYOG sa patuloy na rebolusyon ng mga Pilipino dahil may umiiral pa ding pang aapi, kahirapan, krisis, at ang bulok na sistema ng pilipinas. laganap pa din ang kawalan ng katarungan, may na aapin pa din sa lipunan katulad ng mga indigenous people dito sa Mindanao. Patuloy pa din nilang nilalaban ang karapatan sa sariling pagpapasiya o right to self determination at ang kanilang “yutang kabahin” o ancestral domain. Patuloy ang kanilang pakikibaka at kanilang rebolusyon upang maabot ang kanilang karapatang kinuha. Patuloy an moro Struggle at ang pagigipit ng MILF at sa gobyerno sa usaping Framework Agreement of Bangsamoro. Tumataas ang bilang ng Kahirapan sa pilipinas dahilan sa pag taas din ng walang trabaho ng mga Pilipino. Patuloy ang pag taas ng mga pangunahing bilihin sa merkado pati pagtaas ng oil dahilan sa deregulation law. Laganap pa din ang pagsasamantala sa mga dayuhan sa bansa. Ang pagpasuk ng mga dayuhan sa ekonomiya katulad ng mining industry, dahilan ito sa utang ng pilipinas sa world bank at IMF at naging sunod sunodan na din ang gobyerno sa ilalim imperialistang amerikano. Sa usaping Edukasyun sa pilipinas nandyan ang isyung K+12, State Universities and Colleges allocated budget, commercializing/privatization sa mga SUC’s, pag taas ng mga matrikula at iba pang babayarin sa eskwelahan. Dumadami ang bilang ng mga out of school youth dahilan sa kahirapan. Sa usaping politika usong uso ang TRAPO o traditional politician nandyan ang premature campaign at political dynasty. 
iba’t ibang klase ng pag kilos, protesta at rebolusyun ng mga Pilipino sa Iba’t ibang klase ng problema ng bansa. Ang liga ng makabagong kabataan ay patuloy na makikiisa sa rebolusyun ng mga Pilipino upang labanan ang bulok na sistema, sistemang burukrasya at ang sistemang hindi nakaka ayon sa masa. Naniniwala ang lmk na patuloy ang rebolusyun at ang pambansang pakikibaka at naniniwala sa kolektibong akyon ng mga Pilipino makakamtan natin ang pambansang demokrasya. Kaming mga kabataan patuloy na lalaban para sa interest ng mga nakakarami at kikilos sa demokrasya at maninindigan sa karapatan!

Mabuhay ang People power revolution!Image